Sa labas ng aming bahay, may isang batang tinda ay sampaguita,
Sa labas ng aming bahay, una ko siyang nakita.
Inutusan ako at Lumabas para bumili ng sampaguita,
Ngunit sa paglabas ko’y hindi ko na siya muling nakita.
Sa paglipas ng araw akin siyang inaabangan,
Nagbabakasakaling siya’y akin muling masisilayan,
Hindi ko alam kung bakit ako nahihiwagaan,
siguro dahil sa payat, bagsak at kaawa-awa niyang katawan
nagtanong ako sa aming kapitbahay,
yung bata sa harap ng aming bahay, ano kaya ang kanyang ngalan?
Walang may alam, sapagkat wala silang pakielam
Kaya minabuting ipagtanong sa bandang labasan,
Sa labasan madalas siyang nakaupo,
Nanunuod, ng mga kapwa niya batang naglalaro,
Tanong sa sarili, bakit hindi siya sumasali sa mga ‘to?
Sagot ng kalaro niya, baka mahuli daw siya ng kanyang inang hilo,
Ang kanyang ina napaka-sama pala,
Pinagtitinda ng sampaguita ang musmos na bata.
Nalungkot ako sa mga bagay na nalaman ko pa,
Sapagkat ang batang nagtitinda ng sampaguita na “bong” ang ngalan,
Binubugbog ng kanyang ina at ama kapag walang dalang yaman,
Si bong ay pang-apat sa pitong magkakapatid, ang tatlong nauna sa kanya’y
Sa murang edad ay nag-sipagasawa na, ninais makaalis sa impiyernong
Dulot ng magulang nila sa kanila, kaya ang napagiwanan ng lahat ng hirap at dusa,
si “bong” walong taong gulang, na aking napagalamang
hindi pa pala nakatung-tong na paaralan.
Kinabukasan, tanghali nang muli ko siyang natagpuan sa labasan,
Akin siyang kinausap, tinanong kung siya ay nakakain na?
Ang tangi niya lang naisagot, ay iling na pagkabagal-bagal.
Saksi ng mga mata ko ang gutom sa mga mata ng bata.
Agad ko siya isinama sa aming tahanan, ngunit sa kasamaang palad nakita siya ng kanyang ina, sinigawan siya at pinagsalitaan ng mga hindi magaganda,
Kinausap ko ang kayang ina, na pakainin na ang bata
sapagkat hinang-hina na siya at mukahang gutom pa,ngunit ang narinig ko lang
ay isang malakas na “hindi”
nagulat ako at naawa para kay “bong”
sa oras na iyon wala akong magawa kundi ang tingnan lang ang bata,
kaya kinabukasan ng muli ko siyang nakita
kasama ang kapatid niya sa harap na ng aming tahanan,
lumapit ako at hinatiran ng isang balot ng pandesal,
binitawan niya ang sampaguita, lumingon sa kanan at kaliwa
upang siguraduhing wala ang kanyang ina
agad siyang kumuha at binigyan ang kapatid niya,
sa oras na iyon ramdam ko ang saya
dahil sa wakas nibsan ko rin ang gutom na tinitiis nila,
sinabi ko sa kanya kapag gutom siya at ang mga kapatid niya agad siyang
pumunta sa harap ng bahay at bibigyan ko sila ng makakain,
nakangiti si bong nang sabihin ko ang mga salitang iyon,
ngumiti rin ako dahil sa wakas matutulungna ko na rin silang magkakapatid
ang aking mga lumang libro ay binibigay ko kay bong,
itinatago niya raw ito upang hindi maitapon ng kanyang ina,
unti-unti narin siya natututong magbasa,magsulat at iba pa
sa mga oras na may panahon ako tinuturuan ko siya,
nagbibigay siya sa akin ng limang piso kada-benta niya
para raw makaipon at makapag-aral na daw siya kasama ang iba pang mga bata.
Marami na rin siyang naipon, kapag may sobra ako
inihuhulog ko ito sa alkansya ni bong
hindi ko, nais na akuin ang responsibilidad ng kanyang magulang,
ang nais ko lang ay ang makatulong at magpasaya ng iba,
iyon lang at wala nang iba pa.
ang buhay ng tao,hindi pantay-pantay, hindi lahat ay suwerte at pinagpala ang dapat mong gawin aking kaibigan pangalagaan ang kung ano man ang meron ka…




