para sa Dalawa..(sino?)

noong akoy ipinanganak mo,
tuwang-tuwa pati kapitbahay nyo,
mga kamag-anak ay nagdatingan,
lalo na sina lola at lolo.

pinalaki na may respeto,
disiplina sa sarili ay itinuro,
ang Diyos ay pinakilala nyo,
kaya asal na mali itinuwid nyo.

ako’y inyong binihisan,
pinag-aral sa skwelahan,
nakakilala ng mga kaibigan,
na siyang pinagkatiwalaan.

nagtapos na sa kolehiyo,
ngayon na ay nagtatrabaho,
para maibalik sa inyo,
sakripisyo na inalay nyo.

ngayon ay magulang na rin ako,
luha at pawis ay nararanasan ko,
naging mas matatag dahil sa inyo,
salamat mga magulang ko.

Post a Comment